Day By Day Dubai – 5th Anniversary
Nagdaos ng kanyang ika-5 taong anibersaryo ang Day By Day Dubai noong ika-11 ng Hulyo. Sa pangunguna ni Pastor Hermie Manabo, sama-samang nagdiwang ang kapatiran mula sa Abu Dhabi, Al-Ain at Dubai, kung saan may naitatag na samahang Day By Day. Nanguna ang worship team sa pag-aalay ng mga papuring himig at tugtugin at nagtanghal naman ng mahusay na prayformance ang KALOOB-Dubai. Isang natatanging mensahe ang inihatid ni Pastor Ed Lapiz na pinagsaluhan hindi lamang ng mga kapatirang ng Day By Day, kundi pati ng mga daan-daang Pilipinong nakibahagi sa pagdiriwang.