About Us

Welcome to the Day By Day Christian Ministries website.

12 Comments

  1. Rebecca Maria C Perez  •  Jul 17, 2008 @10:49 pm

    Salamat sa Panginoon at Day By Day para sa tunay na Kristianong Pilipino
    Ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino kaugnay ng pananampalataya ay
    maging halimbawa sana para sa ibang mga sambahan.
    Mabuhay ang Pilipinong Kristiano!
    Pagpalain kayo ng Panginoon!

  2. juanbautista  •  Aug 28, 2008 @8:46 pm

    Mabuti na lang at may isang Ed Lapiz na malawakang ginagamit ng Panginoon para maabot ang ating tunay na damdaming Pilipino na ibinigay sa atin. Hindi tayo tunay na mapapalagay at lalago kung gagamit tayo ng istilong Koreano o Latinong Amerikano o kahit na kung anu-anong istilo sa ating pagsamba at pagpupuri sa Kanya maliban lamang sa paraang idinisenyo para sa ating mga Pilipino. Oo nga naman, ano? Kung nagtatagumpay ang mga Koreano at lumalago sila bilang mga kristiyano (pati na rin sa bilang) at ang mga taga Columbia sa kanilang G-12 na istilo e kailangang para lumago naman ang mga Pilipinong kristiyano e di ba dapat istilo at pusong Pilipino ang gamit natin. Komo ba’t “dawn watch” ang sa mga koreano, dawn watch na rin tayo? Komo ba’t tagumpay ang Columbians sa G-12, G-12 na rin tayo?

  3. max bringula  •  Aug 29, 2008 @7:13 pm

    Purihin ang Diyos nating dakila at makapangyaihan sa lahat! Sadyang di mapipigil ang paglaganap at paghahayag ng Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng paggamit sa mga available means of communication tulad ng website na ganito, ng blog, atbp. kung saan ang Salita ng Diyos ay nababasa, naririnig at napapanood – maraming mga nilikha ang naaabot na kapahayagan ng Diyos sa atin. Hindi dapat tayong mag-atubiling ihayag ang Kanyang mga Salita pagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng lahat.

  4. loves_nikko  •  Sep 3, 2008 @2:45 pm

    Sa Panginoon ang kapurihan! at salamat din naman po sa buhay ni Pastor Ed… Tunay na maraming napagpapala sa katuruan ng Panginoon sa pamamagitan niya. Nagiging daan din ang ministeryong ito para maging proud ang bawat Pinoy sa kulturang mayroon tayo. Marami pang pagpapala to Pstr Ed, na namamahagi din naman sa napakarami!

  5. hisgrace  •  Sep 10, 2008 @9:16 am

    Praise God, dahil sa kabutihan ng Diyos ay patuloy na naipapalaganap ang Kanyang Salita sa pamamagitan ng mga taong katulad ninyo na ginagamit niya at binibigyan ng karunungan at katapangan na ipahayag ang kabutihan ng Diyos sa ganitong pamamaraan. Maraming tao ang pwede pang maabot at mapahayagan ng kaligtasan. Patuloy na pagpalain kayo ng ating Diyos dahil sa kusang loob ninyong pagpapagamit at paglilingkod para maabot ang maraming tao, sa lahat ng bumubuo ng Day By Day , maraming salamat. ang May God bless ang susutain youl all.

  6. dandawan  •  Oct 18, 2008 @5:53 pm

    Sa Diyos ang papuri,kaluwalhatian at ang walang hanggang kapangyarihan!Tunay na walang makakapigil sa paglaganap ng salita ng Diyos,ang totoo,tunay,buhay at nag iisang Diyos ng sangkatauhan.Sa pamamagitan ng website na ito,marami ang maliliwanagan,makakasumpong ng katotohanan at sa mga nakasumpong na mas lalo pang tatatag ang pananampalataya.Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Day by day.Kay Pastor Ed,pagpalain ka lalo ng Diyos,patuloy kang gamitin.Isa kang anointed preacher.Walang mensahe ang itatapon at sa bawat isa nito,may patotoo sa Ispiritung Banal.Pagpalain tayo lahat ng ating tapat na Diyos!

  7. oliver s. mangubat  •  Jan 16, 2009 @1:08 pm

    malaking hamon ang bawat mensahe ng pastor ed, truly God is Alive sa kanyang ministry. everytime that i listen to his preaching especially sa radio, lagi akong narerebuke and pinapalakas ng mga katotohanan na mula kay Lord.

    Praise ne to God!!!!

    i pray na magpatuloy at lalo pang pasaganain ng Dios ang Ministry ng Day by Day

    Pastor Mangubat

  8. cathy  •  Jan 23, 2009 @1:27 am

    I thank God for your very powerful and life changing messages. Your radio ministry has been of great help in my daily christian life since I started listening to it in 1998. Your messages are simple yet very practical and “striking”, it makes me smile and laugh aloud but in the end leaves me into deep thoughts .I thank God for your ministry, i
    was blessed through it alot. I fervently pray that it continues to grow and be able to reach and touch the hearts & minds of many people who are seeking & working already for the Lord. God bless you & all your staff, and may the Lord continue to use all of you in making a difference in the lives of others through the good news.

  9. dandawan  •  Feb 14, 2009 @6:21 pm

    napakaganda ng bagong bihis ng inyong website.kasing ganda ng pagpapalawak nyo ng salita ng ating Panginoon.pagpalain pa lalo sana ng ating Dios ang inyong mga gawain.marami kaming napagpapala ng inyong ministry.at kay Pastor Ed na tunay na anointer teacher and preacher.at higit sa lahat,sa ating buhay na Dios,ang lahat ng papuri,kaluwalhatian at walang hanggang pasasalamat!

  10. amiel  •  Feb 27, 2009 @3:00 pm

    Napakabuti ng Panginoon, salamat sa mga mensahe at pagbabahagi ni Pastor Ed Lapiz ng kaniyang mga messages, especially sa Internet, at naabot kaming mga nasa saudi. Ito rin mga mensaheng ito ang ibinabahagi ko sa aking mga kapatid dito sa pananampalataya, sa tulong ng banal na espiritu, tinutulungan niya ako na maibahagi ang natutunan ko kay Pastor Ed lapiz, sa aking mga kasamahan. Dahil dito patuloy kaming tumatatag at nakakapamuhay ng ayon sa kalooban ng ating Diyos na si Hesus….To God be the Glory ….

  11. jesusgamayon  •  Mar 9, 2009 @7:59 pm

    Nais kong purihin ang Panginoon sa paggamit sa mga mensahe ni Pastor Ed Lapiz upang ako ay lumakas at tumibay sa gitna ng bagyong kinakaharap ko ngayon. Tunay na kaaliwan ang salita ng Diyos sa gitna ng anomang pagsubok, at lakas upang manindigan sa katuwiran ng Panginoon. Dalangin ko po na patuloy na gamitin ang Day By Day Ministries upang maabot ang pangangailangan ng mga Kristiyano sa pagpapatibay at pagpapalakas na espirituwal. Purihin ang Panginoon!

  12. isagani.m  •  Mar 22, 2009 @12:22 pm

    hello magandang araw po.

    magtatanong po lamang ako papaano po kaya ako makakabili ng books ni Pastor Ed lapiz via online.

    salamat po.

    God bless

    gani